Tuesday, August 26, 2014

Filipino: Wika ng Pagkakaisa

                                                             

                  Wikang Filipino, Susi sa Kaunlaran


        Hindi lingid sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng pagkakaisa. Saan mang sulok  ng ating bansa kitang kita ang pagkakaroon ng determinasyon at pagtutulungan. Kahit ano pa mang mga suliranin ang ating mga kinakaharap kinakaya natin ang mga ito dahil sa pagkakaisa.
       Sa pagdiriwang natin ngayon ng Wikang Pambansa, muli na naman  nating binubuhay at sana laging isinasabuhay ang kinagisnang wika, ang Wikang Filipino. Bilang isang Pilipino ipinagmamalaki ko  na naging parte ako ng isang bansang matapang at hinahangaan ng maraming tao sa iba't ibang bansa. Patuloy nilang hinahangaan ang ating bansa  dahil sa kagandahan ng pag-uugali, nagpapakita ng pagkakaisa. at higit sa lahat ang mga Pilipinong tumatangkilik at nagmamahal sa bayang Pilipinas. Natamo natin ang kalayaan dahil sa bayanihan, pagkakaisa ng wika at sa kagustuhang mabuhay ng payapa.at tahimik.
       Ito na ang tamang oras kapwa Pilipino , piliin at gamitin ang sariling wika tungo sa kaunlaran  ng ating bayan at masaganang bansa. Huwag ng magpaligoy-ligoy pa dahil ang solusyon sa katiwalian at pang-aabuso sa ating bansa  ay matatagpuan  sa pinakamamahal nating bansa at ito ay ang wikang  Filipino.

No comments:

Post a Comment